Sang-ayon ang Department of Health (DOH) sa pangamba ng ilang health experts na posibleng magsinungaling ang mga taong may sintomas ng COVID-19 dahil sa takot na dalhin sila sa mga quarantine facilities.
“That is a possibility. Actually pinag-usapan yan noong nagkaroon ng IATF meeting. The experts were there and they were saying that this is one of disadvantages or something that may happen kapag ginawa natin ‘yan,” ani Health Usec. Maria Rosario Vergeire
Nitong Martes sinabi ng infectious disease expert na si Dr. Anna Ong-Lim, na hindi nagtatapos sa isolation facility ang kakayahan para magpagaling at maiwasang makahawa ang isang confirmed case.
Kaya naman kung ang isang pasyente ay may kakayahan na mag-isolate sa kanyang bahay ay dapat na bigyan ito ng pagkakataon.
“When we talk about isolation, this doesn’t always have to be from the setting of a facility… we were just really concerned about the concept of requiring people who have the capacity to do the right thing, and in the process, of course its an additional burden to whatever facilities are now existing in the community. ‘Yun yung ipinaabot namin sa kanila.”
Pero paglilinaw ni Usec. Vergeire, hindi naman tuluyang inalis ang protocol sa home quarantine.
Sa ilalim ng IATF resolution, required na sumailalim sa facility-based isolation ang mga close contacts at mga confirmed cases na mild at asymptomatic.
Exempted lang sila rito kung pasok sa mga kondisyon ng DOH at DILG ang kanilang bahay para sa home quarantine. Gayundin kung sila ay itinuturing na vulnerable. Tulad ng mga bata, senior citizen, may iba pang komplikasyon, may kapansanan, buntis at immunocompromised.
Pati na kung nag-deklara ang regional task force na puno na ang temporary and treatment monitoring facilities (TTMFs) sa kanilang lugar.
“Unang-una hindi tayo dapat matakot. Hindi niyo dapat itago ang inyong sintomas. Kapag tayo ay pupunta sa TTMFs, kailangan alalahanin natin na mas maaalagaan tayo doon, mas mamo-monitor, mape-prevent na mahawaan ang inyong kamag-anak kung kayo ay andoon lang sa bahay.”
Sa huling tala ng Health department, nasa 37% pa lang ng higit 166,000 bed capacity ng TTMFs sa buong bansa ang okupado.
42% naman ang utilization ng 20-Mega TTMFs na may total na higit 3,500 na kama.