-- Advertisements --

Nanindigan ang Department of Health (DOH) sa paalala nito sa publiko na panatilihin ang isang metrong distansya, sa gitna ng pagpapatupad ngayong araw ng bawas sa physical distancing ng mga pasahero sa pampublikong transportasyon.

“The DOH values the protection of lives and livelihoods, and we are for spurring economic recovery.”

Ayon sa ahensya, dapat maging maingat ang publiko sa pagsali sa mga aktibidad na hindi masusunod ang isang metrong distancing.

Payo ng Health department, mas mabuting piliin ng commuters ang mga sasakyan na kayang magpatupad ng orihinal na inirekomendang distansya.

Sa ilalim kasi ng resolusyon sa Inter-Agency Task Force, mababawasan pa sa mga susunod na linggo ang ngayo’y 0.75-meters na distansya sa public transport.

“Given the recent decision of the DOTr to ‘optimize physical distancing in transportation’ and in the interest of public health, we enjoin all Filipinos to be extra vigilant in situations where distancing cannot be practiced.”

“And if possible, choose to participate in activities or use transport options that can afford at least 1-m distancing.”

Sa pagpapatupad ng bagong panuntunan sa mga pampublikong sasakyan, pinaalalahanan ng DOH ang Transportation department na maging responsable para masigurong ligtas ang publiko.

“Being the lead agency, shall be responsible for issuing and enforcing transport guidelines to ensure that the public’s health and safety shall not be compromised.”

Paalala ng ahensya sa publiko, ipagpatuloy ang pagsunod sa minimum health standards tulad ng pagsusuot ng face mask at face shield, paghuhugas ng kamay at physical distancing.

Ang mga senior citizen naman at may iba pang sakit ay pinayuhan namang manatili sa bahay.

“Based on evidence, the level of protection increases when the practices are combined.”

Babantayan daw ng ahensya ang resulta ng bagong protocol sa pampublikong transportasyon bago maglabas ng rekomendasyon o bagong komento.