-- Advertisements --
Pupulungin ng Department of Health ang mga miyembro ng Inter-agendcy task force on coronavirus response.
Ito ay para pag-usapan ang posibleng pagbabagong gagawin sa minimum health standard sa bansa matapos na ideklara ng World Health Organization (WHO) na hindi na itinuturing na global health emergency ang COVID-19.
Ayon sa DOH na ang kanilang tatalakayin sa pulong ang pag-assess sa mga polisiya at ibang mga panuntunan na apektado ng nasabing deklarasyon.
Magugunitang nilinaw ni WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus na maaring maibalik pa ang emergency status sakaling lumala muli ang kaso ng COVID-19 sa iba’t-ibang bansa.










