-- Advertisements --
Pinuri ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III ang lungsod ng San Juan dahil sa matagumpay ang kanilang ginawang sabay-sabay na pagpapaturok ng COVID-19 vaccine sa mga may edad, may karamdaman at mga health care workers.
Naging maganda aniya ang lugar kung saan ginanap ang sabay-sabay na pagpapabakuna sa lungsod.
Dagdag pa ng kalihim na pinapayagan nila ang sabay-sabay na pagpapabakuna para mapabilis ang vaccination drive ng gobyerno.
Mayroon 103 vials na AstraZeneca ang lungsod para sa 1,030 na senior citizens at 1,669 doses ng SinoVac vacccine kung saan 931 dito ay para sa first dose ng healthcare workers at mga may karamdaman habang ang 738 ay nakareserba para sa second dose ng mga unang batch ng healthcare workers.