-- Advertisements --
healthcare workers

Inanunsyo ng Department of Health (DOH) na aktibo itong nakikilahok sa pagbuo ng panukalang i-standardize ang suweldo ng mga healthcare workers sa publiko at pribadong sektor.

Sa isang pahayag, sinabi ng DOH na ganoon din ang pambansa at lokal na pamahalaan na ito ay lumipat sa ‘more granular’ na pag-uulat upang matiyak ang agarang pagtugon ng mga apektadong LGU sa pag-akyat ng COVID-19.

Patuloy na isinusulong ng DOH ang mga karapatan ng mga healthcare workers sa makatarungang kompensasyon at mga benepisyo dahil sa kanilang mahalagang papel sa sistema ng pangangalagang pangkalusugan ng buong bansa.

Ayon sa departamento, may ilang panukalang batas na inihain sa Kongreso na naglalayong taasan ang suweldo ng mga health workers.

Sinabi rin ng DOH na kasalukuyang isinusulong nito ang Amendment sa RA 7305 o ang Magna Carta for Public Health Workers, para isama ang mga pribadong health worker.

Ipinaalala rin nito na sa kasalukuyan, sa pamamagitan ng Republic Act No. 9173, na kilala rin bilang “Philippine Nursing Act of 1991”, ang entry-level position ng mga Nurses sa Public Sector ay itinakda sa Salary Grade 15 o humigit-kumulang P36,000.

Una na rito, ang DOH rin ay naglalayong tiyakin ang kapakanan, proteksyon, at pag-unlad ng mga healthcare workers ng ating bansa.