Pinayuhan ng Department of Health (DOH) ang publiko na huwag maging kampante at ituloy ang pagdo-doble ingat para maiwasan ang banta na mahawaan ng pandemic na COVID-19.
Pahayag ito ng ahensya matapos lumabas ang ulat sa Hong Kong na may isang 33-anyos na lalaki ang muling tinamaan ng SARS-CoV-2 virus.
“We advise the public to always err on the side of caution. What we do not want to happen is for people who have been infected with COVID-19 in the past to assume that they are already immune to the disease.”
Ayon sa DOH, patuloy pa ring pinag-aaralan ng mga eksperto ang sinasabing “reinfection” ng recovered patients sa sakit.
Pero sa ngayon, malinaw daw na wala pang matibay na ebidensyang makapagsasabi na maaaring tamaan muli ng SARS-CoV-2 virus ang gumaling nang pasyente ng COVID-19.
“DOH and its Technical Advisory Group emphasize that no evidenced-based evaluation can be done until after details of the study are released in a peer-reviewed scientific journal. Moreover, data on post-infection immunity are also lacking, according to the World Health Organization.”
“Rest assured that DOH is closely monitoring this issue and we are ready to evaluate and act on it once reliable scientific information is available.”
Paalala ng ahensya, hangga’t patuloy ang pag-diskubre sa mga impormasyon ng bagong coronavirus ay dapat na maging responsanble ang publiko nang hindi lumala ang pagkalat nito.
“Until we fully understand what we are up against, everyone should follow the minimum health standards (using face masks, handwashing, and physical distancing). No exceptions. Right now, in the midst of uncertainty and public health crisis, thoughtful and rigorous science will be our guide,” ayon sa DOH.