-- Advertisements --

MANILA – Nakatakdang maglabas ng bagong guidelines ang pamahalaan para maging gabay ng mga pinahuntulutang nang sinehan na mag-operate sa gitna ng pandemya.

Ito ang kinumpirma ng Department of Health (DOH) matapos payagan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagbubukas ng ilang establisyemento tulad ng mga sinehan.

“One of the safeguards was the guidelines upcoming which will be coming from the Department of Labor and Employment, wherein they have consulted with an epidemiologist,” ani Health Usec. Maria Rosario Vergeire.

“So that they can provide this ventilation requirements specifically in enclosed spaces.”

Paliwanag ni Vergeire, walang pagbabago sa guidelines na una nang inilabas ng DOH. Nilalaman nito ang paalala sa minimum public health standards.

Tulad ng pagsusuot ng face mask at face shield, at distansya ng isang metro o higit pa.

“Yun pa rin naman ang ating kailangan ipatupad, although kapag inilabas na yung sa DOLE baka magkaroon tayo ng additional supplementary guidelines for us to better explain.”

Nitong araw sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na iniurong na sa March 1 ang reopening ng mga sinehan.

Pero nilinaw nitong naka-depende pa rin sa approval ng local government units ang pagbubukas ng naturang establisyemento.

“Ang pagpapatupad po ng pagbubukas ng sinehan, kung matutuloy po, ay Marso 1,” ani Roque.