-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Ibinunyag ni Department of Health (DOH)-Region 10 director Dr. Adriano Suba-an na isang opisyal ng kanilang ahensiya ang nasa malubha ang kalagayan matapos magpositibo sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Aniya, maliban sa nasabing opisyal tatlong health workers naman ang nagpositibo sa nasabing virus na kinabibilangan ng isang babae mula Tudela, Misamis Occidental, isang babae mula Mahinog, Camiguin at isang lalaki na rural health nurse sa Manolo Fortich Bukidnon.

Dagdag pa nito na makatatanggap ng P100,000 risk pay ang nasabing mga health workers base sa nakasaad sa Bayanihan Heal as One Act.

Una nang nagpalabas ng direktiba si President Rodrigo Duterte sa health department na bigyan ng financial assistance ang mga health workers na nagpositibo sa nasabing virus matapos magsilbing frontliners laban sa COVID-19.