-- Advertisements --
image 441

Inihayag ni Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na nakahanda siyang maitalaga bilang susunod na kalihim ng ahensiya kung i-alok ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang posisyon.

Aniya, base sa anim na buwan o mahigit na pagsisilbi sa kagawaran , masasabi aniyang handa siya at sa tingin din ni Vergeire ay maaaring kailangan pa siya ng sambayanang Pilipino.

Nauna ng nagpahayag ng reservations si Vergeire na maitalaga bilang kalihim ng DOH at nais aniyang magpatuloy sa pagseserbisyo sa publiko kahit na matapos na ang kaniyang mahigit anim na taong termino o hanggang sa siya ay magretiro na.

Minsan na ring sinabi ni Vergeire na ipinauubaya na rin aniya sa Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kung itatalaga siya o hindi na maging DOH Secretary.

Sinabi naman noon ng Pangulo na magtatalaga lamang siya ng DOH secretary sa oras na bumalik na sa normal ang sitwasyon sa ating bansa mula sa covid-19 crisis.