Umaasa si Health Secretary Maria Rosario Vergeire na sa tulong ng panukalang Bayanihan 2 ay mas mabibigyan nila ng pansin ang produksyon ng mga locally-made personal protective equipment o PPEs.
Ito’y matapos ang kritisismong natanggap ng gobyerno mula sa publiko dahil sa suportang ipinapakita umano nito sa mga international suppliers.
Nilinaw ni Vergeire na wala silang pinipiling bansa kung saan bibili ng mga PPEs at todo-todo ang suporta na kanilang binibagy sa mga local suppliers.
Inatasan ang health department na ihanda ang technical specifications ng mga safety gear base sa standards na naaayos sa World Health Organization subalit ayon kay Vergeire ang budget department ng ahensya ang naghahawak ng procurement service na siyang bumibili ng mga PPEs.
Sa ilalim kasi ng Bayanihan to Recover as One bill (Bayanihan II) ay palalawigin nito ang special power na nauna nang ibinigay kay Pangulong Duterte sa ilalim ng Bayanihan 1 pada mag-reallocate ng pondo sa 2020 General Appropriations Act upang gamitin sa COVID-19 response.