-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Tumanggi si DOH Asst Secretary Dr. Maria Francia Laxamana na magkomento sa isyu ng pagbabalik sa usapin ng dengvaxia dahil sa mataas na kaso ng dengue sa bansa.

Sa isinagawang launching ng school based immunization ng DOH region 2 sa North Central School sa lunsod ng Santiago, binigyang diin ni Asst. Secretary Laxamana na dapat ay ibalik ang tiwala sa bakuna.

Bagamat napakalaking hamon sa kanila ang takot ng mga magulang dahil sa isyu ng bakuna, nananatiling malakas ang paniwala ng ahensya na maibabalik ang tiwala ng tao sa pagbabakuna partikular ang mga bakuna na noon pa man ay proven na.

Paliwanag nya na huwag ipakasalanan sa bakuna ang mga nangyari sa nakaraan dahil ang bakuna ay proteksyon at hindi gamot.

Aniya kung may namatay man ito ay dahil sa kumplikasyon.