Nanawagan ang DOH sa Civil Service Commission (CSC) na magbigay ng mas mataas na sahod sa mga psychologist at guidance counselor na nagtatrabaho sa gobyerno upang matugunan ang kanilang kakulangan sa propesyon sa healthcare profession.
Sinabi ni Health Sec. Herbosa na ang kakulangan ng mga clinical psychologist at psychiatrist sa bansa ay itinuturing na isa sa malaking “black holes” ng Health Department.
Kaya aniya kailangan ng mas maraming kabataan na ma-encourage na pumasok sa psychological sciences.
Sa hangaring matugunan ang problemang ito, sinabi ng Health secretary na dapat taasan ng CSC ang buwanang suweldo ng mga propesyonal na nag-aalok ng mental health services sa hindi bababa sa Salary Grade 15 o P36,619.
Dagdag pa niya na ang problema sa mga nagtatrabaho sa larangan ng psychology sa gobyerno, kinakailangan silang magkaroon ng Master’s Degree, ngunit ang suweldong ibinibigay sa kanila ay Salary Grade 11 lang.
Giit ni Herbosa ang nasabing mungkahi ay magpapalakas o maaaring mahikayat ang mga estudyante na piliin ang kanilang field ng pag-aaral sa health sector.