Tiniyak ng Department of Health (DOH) na mayruon na silang ginagawang hakbang sakaling magkaroon ng pagtaas ng kaso ng Covid-19 cases ngayong holiday season dahil sa kabi-kabilang mga party.
Sa interpelasyon kay House Committee on Appropriation Senior Vice Chair Rep. Stella Luz Quimbo na siyang sponsor sa budget ng DOH, sinabi nito na naghahanda na ngayon ang ahensiya sa posibleng Covid-19 surge.
Sinabi ni Quimbo, lalo pang palakasin ng health agency ang kanilag vaccination at booster program.
Sa pagtatanong ni Rep. Gabriel Bordado ng 3rd District ng Camsur kung ano ang ginagawang paghahanda ng ahensiya para sa prosibleng pagtaas ng kaso ng Covid 19 cases at ang pagluluwag sa paggamit ng face mask lalo na kapag nasa outdoor.
Sagot naman Quimbo, striktong mino monitor ng DOH ang polisiya kaugnay sa pagluwag sa paggamit ng face mask at ang posibleng pagtaas ng kaso ngayong pasko at bagong taon.