-- Advertisements --
Nakapagtala pa ang Department of Health (DOH) ng dagdag na 27 bagong lugar sa bansa na may clustered cases ng COVID-19.
Batay sa data na inilabas ng DOH, umaabot na sa 1,302 ang mga lugar sa bansa na may higit sa dalawang kaso ng sakit.
Pinakamaraming bagong clusters ang galing sa Calabarzon na 17, sinundan ng Central Luzon na may apat. Tig-tatlong bagong clusters naman ang galing sa Central Visayas at National Capital Region.
Sa komunidad pa rin ang may pinakamataas na bilang ng clusters na nasa 1,107 na dahil sa 25 kaso na nadagdag.
Sumunod sa mga ospital at health facilities na may 69, at mga kulungan at iba pang jail facilities na may 30 clusters.
Ngayong araw pumalo na sa 178,022 ang total ng COVID-19 cases sa Pilipinas.