-- Advertisements --

Nahihirapan ang Department of Health (DOH) na ma-identify ang source ng impeksyon ng pang-apat na kaso ng monkeypox sa bansa.

Inamin ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergerie na maaaring matagalan sa pagtukoy kung saan nakuha ang virus nito dahil naging hesitant ang pasyente matapos lumabas sa social media ang kaniyang personal details.

Aniya, naging hamon sa kanila ngayon ay kung paano i-establish ang tumpak na kasaysayan mula sa pasyente.

Kaya naman tuloy-tuloy ang pakikipag-coordinate ng kagawaran sa pamilya upang makausap ulit ang pasyente at ma-establish ang source ng infection.

Gayunpaman, ipinunto ng opisyal ng kalusugan na ang pasyente ay nagbigay sa DOH ng kumpletong kasaysayan ng kanyang kinaroroonan at kung ano ang kanyang mga aktibidad mula noong siya ay nagkaroon ng mga sintomas.

Idiniin din niya na ang departamento ay magpapatupad ng batas kung kinakailangan upang makuha ang kinakailangang impormasyon, dahil ito ay para sa proteksyon ng marami at ng pampublikong kalusugan.

Umapela din si Vergeire sa publiko at sa iba’t ibang media outlet na tumulong na mapanatili at igalang ang pagkakakilanlan at ang privacy ng mga partikular na indibidwal na may mga partikular na sakit.