Nagpaliwanag ang Department of Health (DOH) kasunod ng ulat ng World Health Organization (WHO) na sa nakalipas na dalawang linggo, Pilipinas ang may pinakamabilis na pagtaas sa COVID-19 cases sa Western Pacific region.
Batay sa report ng WHO, mula noong June 16, nasa 9,655 na mga bagong kaso ng sakit ang naitala ng bansa. Pinakamataas daw nto kumpara sa 22 na iba pang estado sa rehiyon.
Nasa tatlong beses naman tintayang taas ng bilang na ito mula sa Singpore, na ngayon ay nasa ikalawang bugso na ng COVID-19 infection.
“Our socioeconomic context, particularly living conditions, as well as health system capacity, even prior to COVID, is different from Singapore.”
“Please take that into account when we do our analysis. Let us not cherry pick the countries we want to compare ourselves to.”
Ipinaliwanag ng DOH na kailangan nang masinsinang pagintindi ang pagkakaiba sa mga datos ng dalawang bansa, lalo na’t magkaiba ang bilang ng populasyon ng mga ito at bilang ng mga kaso ng sakit.
“Singapore has a population of 5.9-million, with a case load 43,246; the Philippines with 109-million (population) with 34,803 cases. Per one million people, Singapore has a higher case at 7,393 cases pero million population, compared (with Philippines) at 318-cases per million population.”
Dagdaga pa ng Health department, kahit mas mataas ang case fatality rate (CFR) ng Pilipinas sa 3.6-percent, kumpara sa 0.06-percent ng Singapore, ay nananatili itong mababa sa benchmark ng Global CFR na 5.1-percent.
“Singapores death per million, is 4.4 deaths per million population; while Phippines has 11.34 deaths per million population.”
Tiniyak ng DOH na kahit wala pang bakuna laban sa virus ng COVID-19 ay naka-alerto at gumagawa ng hakbang ang pamahalaan para matugunan ang kasalukuyang sitwasyon ng sakit sa bansa.
“These localized responses entail early detection of cases and tracing of contacts, their immediate isolation or quarantine, and appropriate testing and treatment.”
“We have also addressed the rising critical care utilization through augmentation of equipment and workforce and ensure that we can manage possible surge of cases.”
“Lastly, we continue to emphasize the implementation of minimum health standards, i.e. wearing of masks and physical distancing, as the most effective preventive measure in the absence of a vaccine.”










