Gagamitin ng Philippine Army (PA) ang mga bago nitong gamit pandigma sa ilalim ng 2026 Salaknib Exercises.
Kinabibilangan ito ng mga bagong Ascod tanks, self-propelled 155 artillery, Atmos (Autonomous Truck Mounted Howitzer System), atbpang kagamitan na nabili sa ilalim ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Modernization Program.
Maging ang mga bagong AEV (Armored Escort Vehicles) ng hukbo ay masusubukan din sa naturang simulation.
Ayon kay Maj. Gen. Michael Logico, ihahanay ang mga bagong gamit-pandigma ng PA sa mga kagamitang dala ng US Army Pacific, Japan Ground Self-Defense Force, Australian Army at New Zealand Army na pawang may mga ipinadalang contingent dito sa Northern Luzon na pangunahing venue ng mga military drill.
Ang 2026 Salaknib ang may pinakamalaking bilang ng mga makikibahaging sundalo mula noong nagsimula ang naturang simulation.
Mahigit 7,000 sundalo ang makikibahagi rito mula sa limang nabanggit na bansa, kabilang ang Pilipinas.
















