-- Advertisements --

Nagpaliwanag ang Department of Health (DOH) matapos kwestyunin ng publiko ang dumalas na pag-uulat nila sa mga recoveries na natukoy na patay o nagpapagaling pa.

Ayon sa ahensya, nagsisimula ang recovery tagging sa pagpapadala ng Central office sa mga regional epidemiological surveillance units (RESUs) at lokal na pamahalaan, nang listahan ng mga pasyenteng eligible o pwede nang i-konsidera sa “time-based tagging.”

“(For example) asymptomatic cases tested for more than 14 days and mild cases whose symptoms started for more than 14 days.”

Trabaho ng RESUs at local government units na tingnan mula sa kanilang record, kung sino mula sa confirmed cases na nasa ipinadalang listahan ang patay na o naging kritikal ang lagay.

“They then send this updated list back to us (DOH Central office) so that we can record it in the national tally.”

Tumatakbo ng isang buong linggo ang nasabing proseso. Mula Lunes hanggang Biyernes ginagawa ang cross-checking, pagdating ng Sabado naman itatala, at tsaka ia-anunsyo sa araw ng Linggo.

“Hence the weekly jumps in the recovery data — or what has been referred to as ‘mass recoveries.'”

Paliwanag ng Health department, naka-depende sa isinusumite sa kanilang data ang mga impormasyon na kanila ring inuulat. May mga pagkakataon daw kasi na mismong mga RESU at LGUs din ang nagpapalit sa mga datos na kanilang ni-report.

Hinimok ng ahensya ang mga lokal na pamahalaan at iba pang disease reporting units na agad ipaalam sa kanila ang death cases para masigurong naitatala rin ito sa sistema.

“Nonetheless we continue to strive to keep the media and the public updated with the most accurate national tally available at the moment.”

Nitong Lunes, 297 recoveries ang pinalitan ng tagging ng ahensya matapos matukoy sa validation na 253 sa kanila ang patay na, at 44 ang nagpapagaling pa.