Aminado ang Department of Health (DOH) na mga aberya pa ring naitatala sa pagre-report ng mga kaso ng COVID-19.
Pahayag ito ng ahensya sa gitna ng patuloy pa rin nilang pagre-report ng late cases o mga kumpirmadong kaso ng coronavirus na matagal nang nag-positibo pero ngayon lang nai-report ng laboratoryo.
Halimbawa, sa case bulletin ng ahensya ngayong araw, mayroong 2,415 additional cases ng sakit. Pero 2,010 lang ang nag-positibo sa nakalipas na 14 araw; 215 naman mula September 1 hanggang 17; at 143 ang noon pang Agosto.
Nakasaad din sa bulletin ng Health department na may 31 confirmed cases na noon pang Hulyo nag-positibo; at tig-aapat mula Marso hanggang Hunyo na kahapon lang nai-report.
“Ang usual reason kung biglang bakit nagkakaroon ng mga ganyang paisa-isa na mga late reports would be the misdeclaration ng mga onset of symptoms ng mga pasyente, na kapag ka-vinalidate na nung ating Disease Reporting Units it would turn out na yun palang onset ay months ago pa.”
Dagdag pa ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire, nakikita rin ng mga laboratoryo sa validation na may ibang pasyente na hindi tugma ang iniligay na onset ng sintomas sa mga nauna nilang dokumento.
“So kahit na gaano ka-late yan, kailangan palitan natin yan kasi that would really have an implication kapag dumami yung ganyang errors, magkakaroon yan ng implikasyon sa analysis natin ng data.”
Ayon sa opisyal, wala naman talagang perpektong information system dahil hindi maiiwasan ang mga pahabol na validation, pero nangako ang DOH na sisikapin nila na mas maging timely ang pagre-report sa mga datos.