Naglaan ang Department of Health (DOH) ng P1.8 milyon para sa contingency fund na makakatulong sa mga naapektuhan ng pag aalburoto ng Bulkang Mayon, ayon kay Health Secretary Ted Herbosa.
Sa isang virtual press conference, sinabi ng newly appointed DOH chief na P303,000 sa logistics ang na-mobilize sa mga local government units na apektado ng aktibidad ng Bulkang Mayon kamakailan.
“A total of P1.8 million ang in-allocate namin as contingency fund. Nagtalaga pa ako ng additional money. Inutusan ko ‘yung central office, DRRMO office namin para mag-mobilize ng more money kasi hiningin ako ni regional director ng additional funds,” ani Herbosa.
Nitong Linggo, isang volcanic earthquake at 177 rockfall events ang naitala sa Mayon Volcano sa nakalipas na 24 na oras dahil nanatili itong nasa Alert Level 3, ayon sa PHIVOLCS.