Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko na huwag gumamit ng generator sets sa loob ng bahay at iba pang masisikip na lugar sa panahon na walang kuryente.
READ: The DOH cautions public not to use generator sets indoors or in enclosed spaces during power outages as this may lead to carbon monoxide poisoning. | @BomboRadyoNews pic.twitter.com/Ev2oXjGLB6
— Christian Yosores (@chrisyosores) November 14, 2020
Ayon sa ahensya, maaaring magdulot ng pang-matagalang epekto sa kalusugan ang carbon monoxide, na isang uri ng “colorless” at “odorless gas.”
Hinimok ng DOH ang mga nagmamay-ari ng generator sets na tiyaking gumagana at maayos ang exhaust system o vent ng generator bago gamitin.
Sundin din daw ang safety instructions at laging isailalim sa maintenance.
Pinayuhan ng Health department ang mga makakaranas ng pagkahilo, sakit sa ulo, hirap sa paghinga, pagkalito at pagsusuka habang gumagamit ng generator sets na sumugod sa pinaka-malapit na ospital.