-- Advertisements --

Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko hinggil sa parusang kaakibat ng pagtanggi sa mga mandatoryong protocol kaugnay ng COVID-19 prevention.

Ayon sa DOH, nakasaad sa ilalim ng Republic Act No. 11332 o Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act na “Non-cooperation of persons and entities that should report and/or respond to notifiable diseases or health events of public concern.”

Ipinagbabawal din ng batas ang hindi pakikipagtulungan sa otoridad ng mismong mga tao na may nakakahawang sakit. Pati na ang hindi otorisadong paglalahad ng mga pribadong impormasyon tungkol sa kondisyon ng pasyente; pakikialam sa mga dokumento ng pasyente.

Ang mga lalabag daw sa naturang mga probisyon ay mahaharap sa parusa ng Section 9 ng batas tulad ng multang P20,000 hanggang P50,000 at pagkakakulong ng hanggang anim na buwan.

“Moreover, the Professional Regulation Commission shall have the authority to suspend or revoke the license to practice of any medical professional, and in the case of a public servant, the Civil Service Commission shall have the authority to suspend or revoke the civil service eligibility of a public servant, who is in violation of this Act.”

May parusa din para sa mga pribado at pampublikong health facility, at iba pang institusyon na lalabag sa batas.

“In addition, the business permit and license to operate of the concerned facility, institution,
agency, corporation, school, or legal entity shall be cancelled.”

Nabatid ng ahensya na may ilang indibidwal na hindi pa rin nagpapasailalim kahit libre na ang swab test sa kanilang komunidad.

Nababahala raw kasi ang mga ito na baka sa mismong testing sites pa sila mahawaan ng sakit. Pero paliwanag ng Health department, may panuntunan sa ilalim ng inilabas nilang Department Circular 2020-0204.

“The said issuance details the proper procedure and appropriate infection control protocols to be implemented in the conduct of swabbing.”