-- Advertisements --

Handang buhayin muli ng Department of Health (DOH) ang telemedicine consultation.

Ito ay para hindi mapag-iwanan ang mga nasa malalayong lugar sa tulong medisina ng gobyerno.

Sinabi ni DOH officer in charge Maria Rosario Vergeire na gaya ng ipinatupad noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic ay naging malaking tulong ito lalo na at limitado ang pagpapalabas sa mga tao.

Nakikipag-ugnayan na rin ang DOH sa iba’t-ibang mga regional office nila para sa muling pag-activate ng nasabing programa.