-- Advertisements --

Muling susuriin ng Department of Health ang mga alituntunin sa pagsasagawa ng stem cell treatment sa bansa. 

Ayon kay Health Secretary Ted Herbosa, magsasagawa ang ahensya ng kaukulang updates patungkol sa stem cell therapy dahil patuloy itong kumakalat sa bansa kahit na hindi naman kwalipikado ang health facility na nagsasagawa nito.

Kabilang sa mga susuriin ng Department of Health ang alituntunin sa licensing at accreditation ng stem cell treatment facilities lalo na ngayon na nagsusulputan ang mga health clinic na nagsasagawa nito at dumarami ang taong ginagamit ito para sa pagpapaganda.. 

Ayon sa inilabas na kautusan ng DOH noong 2013, ang stem cell o cellular therapies ay dapat isinasagawa lamang sa akreditadong pasilidad ng ahensya. Kaya naman nagpaalala ang DOH na mayroon lamang anim na akreditadong health facility ang maaaring magsagawa ng stem cell therapy.

Ito ay ang Lung Center of the Philippines, Makati Medical Center, St. Luke’s Medical Center, National Kidney and Transplant Institute, at Asian Stem Cell Institute Incorporated.