-- Advertisements --
image 446

Inihayag ng Department of Health na makikipagtulungan ito sa mga mambabatas matapos bigyan ng executive-crafted 2024 National Expenditure Program (NEP) ang ahensya ng P10 bilyong bawas sa budget para sa susunod na taon.

Sa isang pahayag, sinabi ng DOH, na kinikilala nito ang legislative process ngayong panahon ng budget at tinatanggap ang pagkakataon para sa mga mambabatas na suriin ang mga prayoridad para sa kalusugan.

Kinumpirma ng DOH na sa ilalim ng 2024 NEP, magiging 4 percent na mas mababa ang kanilang budget kumpara sa appropriation ngayong taon.

Ito ay nasa P311 billion, na nagmamarka ng pagbaba mula sa P322 bilyon na inilaan sa 2023 General Appropriations Act.

Dagdag dito, karamihan sa budget cut ay nasa DOH-Office of the Secretary.

Ang DOH-Office of the Secretary ay binigyan ng kabuuang P204 bilyon sa 2024 NEP, na 5% na mas mababa kaysa sa P215 bilyon na inilaan sa 2023 General Appropriations Act.

Nauna rito, ilang senador ang nagpahayag ng pagkadismaya sa P10-billion budget cut na dinanas ng DOH.