Hihigpitan na raw ng Department of Health (DOH) ang regulasyon nito sa pagpapasa ng report ng COVID-19 testing laboratories.
Sa isang panayam sinabi ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire na inaasahan nilang may pagbabago sa pagsusumite ng ulat ng mga laboratoryo, matapos aminin kamakailan na patuloy hiring ng ahensya sa mga encoders.
Nakausap na raw ng DOH ang mga laboratoryo na hindi pa nakakapagpasa ng report sa kanilang mga hinawakang tests.
Batay kasi sa huling tala ng kagawaran, may 28 laboratoryo mula sa 42 licensed operating lab facilities ang nagpasa ng line lists o datos ng mga hinawakang test mula nang sila ay magumpisang mag-operate.
Binigyang diin ng opisyal na ang biglang taas ng mga bagong kaso ng sakit mula noong nakalipas na linggo ay bunsod ng pinakalakas na validation capacity ng DOH.
Nag-resulta ito para hatiin na ng Health department ang klasipikasyon ng mga bagong confirmed case sa “fresh” at “late cases.”