-- Advertisements --

Kumpyansa na umano ang Department of Health pagdating sa healthcare utilization kung ikukumpara noong nakaraang taon na kung saan ay nagsisimula palamang ang ahensya sa pagtugon sa covid-19 na tumama sa ating bansa.

Sa isang media forum ay sinabi ni Health Officer-in-Charge Undersecretary Maria Rosario Vergeire na sa kabila ng pagiging kumpyansa ng ahensya ay hindi nangangahulugan na nagpapaka kampante na ito at kailangan pa rin na maging vigilante sa lahat ng oras.

Binigyang diin pa ni Vergeire ginagawa nila ang kanilang makakaya upang masiguro ang magandang kondisyon sa pagtatrabaho para sa lahat ng healthcare workers sa bansa.

Paglilinaw rin ng kalihim na ang kakulangan ng healthcare workers ay hindi lamang nangyayari sa ating bansa at ito ay kadalasang nangyayari rin sa buong mundo.