Kukuha ang Department of Health (DOH) ng mga nursing assistant para matugunan ang kakulangan ng mga nurse sa mga government hospital.
Ayon kay Health Secretary Ted Herbosa na mayroon ng proposal dahil pinag-aaralan na ang problema kung paano madaragdan ang health human resource.
“It’s Salary Grade 9, so that’s about P20,000 yung salary per month. It’s the one being offered as a solution, so I said that’s going to go forward. It will be open to nurses who graduated four years of college but are still awaiting to pass the exams,” Ani Herbosa.
Gayunman, nilinaw ng DOH na hindi maaalis ang planong pagpapatrabaho sa mga nursing graduates na bumagsak sa board exam.
Noong Hunyo 19, ipinahayag ni Herbosa ang kanyang plano na kumuha ng mga hindi lisensyadong nagtapos ng nursing upang magtrabaho sa gobyerno.
Nauna nang sinabi ng Professional Regulation Commission (PRC) na hindi maaaring mag-isyu ng pansamantalang work permit ang kalihim ng DOH sa mga hindi lisensyadong nurse batay sa Philippine Nursing Act of 2002.
Makikipagpulong din ang DOH sa PRC at Department of Labor and Employment para pag-usapan ang kakulangan ng mga nurse dahil sa mas pinipili nilang magtrabaho abroad.