Kinumpirma ngayong araw ng Department of Health na nadetect na sa bansa ang local transmission ng highly transmissible Omicron subvariant BA.2.12.1.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nanganaghulugan na ang mga kaso na nadetect ay wala ng kaugnayan sa mga kaso mula sa labas ng bansa ngunit makikita pa rin ang linkages ng mga nadetect na mga kaso.
Sa kabila nito, iginiit ni Vergeire na wala pang community transmission sa ngayon.
Iniulat din ngayong araw ng DOH na nadagdagan pa ang kaso ng COVID-19 omicron subvarainat na BA.2.12.1 sa Pilipinas.
Tatlong bagong kaso ng naturang Omicron subvariant ang nadetect mula sa Western Visayas.
Ayon kay Vergeire, dalawang local cases at isang returning Filipinos ang nasuri na positibo sa subvariant.
Ang returning Filipino ay mula sa Amerika at fully vaccinated gayundin ang isang local cases kumpleto ang bakuna habang ang isa pang local cases ay kasalukuyang biniberipika pa ang kaniyang status.
Nilinaw naman ni Vergeire na hindi pa ito maituturing na community transmission kung saan malawakan ang pagkalat at hindi matrace ang lineages ng kaso.
Magugunita na ang unang 14 na kaso ng highly transmissible subvaraint na nadetect sa bansa ay naitala ang 2 local cases mula sa Metro Manila at 12 naman sa Puerto Princesa kung saan 11 dito ay foreign travelers at 1 naman ang local individual.
Samantala, sa ngayon hindi pa itinuturing ng mga eksperto ang omicron subvariant BA.2.12.1 bilang isang variant of interest o variant of concern.