-- Advertisements --

Nanawagan ang Department of Health (DOH) na huwag pang tanggalin ang pagsusuot ng facemask sa mga pampublikong lugar.

Ayon kay DOH Usec. Maria Rosario Vergeire, na nandito pa ang banta ng COVID-19 sa bansa kaya nararapat na magsuot pa ng facemask.

Reaksyon ito ng DOH official na naging utos ng Cebu provincial government na pagtanggal ng facemask.

Sinabi pa ni Vergeire na nakipag-ugnayan na sila sa Department of Interior and Local Government (DILG) ukol sa executive order na inilabas ng Cebu Government.

Mararapat aniya na ikonsulta muna ng LGU sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseasessa pagpapatupad ng nasabing polisiya.