-- Advertisements --

Iniulat ng Department of Health (DOH) na naobserbahan nito ang pagtaas ng kaso ng leptospirosis sa ilang lugar sa Region II, Region VIII, Cordillera Administrative Region, at National Capital Region.

Ayon sa datos ng DOH, mayroong 631 kaso ng leptospirosis na naiulat mula Enero 1 hanggang Mayo 7 — 6% na mas mataas kumpara sa mga kaso noong kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Vergeire na dahil ito sa tag-ulan kung saan nagkaroon ng mga baha, nag-iipon ng tubig, tapos ‘yung maduduming kapaligiran dahil ‘yung ihi ng mga hayop ang sumasa sa floodwater.

Ayon sa DOH, mas mababa ang lingguhang kaso sa pagsisimula ng taon.

Gayunpaman, tumaas ng 193% ang mga kaso mula Marso 13 hanggang Abril 30 kumpara noong nakaraang taon, dahil nakapagtala ang DOH ng 338 kaso.

Mula Abril 10 hanggang Mayo 7, nakapagtala ang ahensya ng 154 na kaso ng leptospirosis, kung saan 20% ay mula sa Region VI, 15% mula sa Region II, at 13% mula sa NCR.

Upang maiwasan ito, pinayuhan ni Vergeire ang publiko na magsuot ng bota kapag tumatawid sa tubig-baha, maghugas ng paa pagkatapos madikit sa tubig baha, at magpasuri kung sakaling magkaroon ng sintomas.

Upang maiwasan ito, pinayuhan ni Vergeire ang publiko na magsuot ng bota kapag tumatawid sa tubig-baha, maghugas ng paa pagkatapos madikit sa tubig baha, at magpasuri kung sakaling magkaroon ng sintomas.