-- Advertisements --
Inanunsiyo ngayon ng Department of Health (DOH) na maaari na ring magpabakuna ng ikalawang booster dose ang mga health worker at senior citizens sa bansa.
Sa isang statement, sinabi ni DOH Undersecretary Myrna Cabotaje na matapos ang masinsinang pag-aaral at konsiderasyon sa mga available evidence, agad ng sisimulan ang pagrolyo ng ikalawang booster para sa mga frontline health care workers at senior citizens.
Ang mga aprubadong bakuna na gagamitin para sa ikaapat na dose laban sa virus ay ang Pfizer vaccine at Moderna.
Ayon sa DOH, ibibigay ang ikalawang booster dose apat na buwan makalipas na maturukan ng unang booster dose.