-- Advertisements --

Ikinaaalarma ng Department of Health (DOH) ang labis na pagtaas ng kaso ng influenza-related cases sa Cordillera Administrative Region sa unang bahagi ng taon.

Umabot na kasi sa 7,132 cases ang naitalang kaso sa buong rehiyon kung saan karamihan sa mga natamaan ay mga bata, habang ang pinakamatanda sa kanila ay isang 101 y/o na lolo.

Maliban sa influeza, ikinababahala rin ng ahenisya ang labis na pagtaas ng kaso ng dengue kung saan lagpas 70% na ang inabot sa unang kalahating bahagi ng taon.

Batay sa datus ng ahensiya, mayroon nang 2, 112 na tinamaan ng kaso kung saan ang pinakabata sa kanila ay tatlong buwang gulang.

Sa kasalukuyan, nakapagtala na ang DOH ng 67,874 na kaso ng dengue sa buong bansa kung saan 189 na sa kanila ang namatay.