-- Advertisements --

Nakatakda raw iendorso ng Department of Health (DoH) sa susunod na administrasyon ang pagpapatupad ng strategies ng Universal Health Care Act at ang pagtatayo ng Vaccine Institute of the Philippines at Centers for Disease Control (CDC).

Sa isang forum, sinabi ni Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nakahanda namang itulak ng DoH ang proper approaches tungo sa new normal mula sa pandemic ngayon na nararanasan dahil na rin sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Plano rin daw ng DoH na ihayag sa publiko na kailangan na nating mabuhay kasama ang virus.

Kasunod nito, hihimukin din ng DoH ang bagong administrasyon na ipagpatuloy ang COVID-19 vaccination program at ang pagpapatupad pa rin ng minimum public health standards.

Para sa DoH, magiging krusyal din umano ang gagampanan ng CDC sa hangarin ng bansa na makaalis na sa pandemic at siguruhin ang health care sa lahat.

Ang Centers for Disease Control bill ay pinapasa na sa Senado ng Kongreso na siyang magre-restructure sa health care system.

Sa pamamagitan ng Senate Bill No. 2505 o ang Philippine Centers for Disease Control and Prevention Act ay mae-establish ang Centers for Health Statistics, Surveillance and Epidemiology, Health Evidence at Reference Laboratories sa ilalim ng health department.

Noong Hulyo 2021, naaprubahan din ang counterpart bill sa House of Representatives.