-- Advertisements --

Umaapela ang Department of Health (DOH) sa Kongreso ng dagdag na budget para “sustain” ang probisyon ng mga benepisyo sa mga healthcare workers sa bansa.

Sinabi ni DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire na nakatakda silang makatanggap ng P20 bilyon para sa pagbibigay ng emergency benefits at allowance ng mga health worker sa 2023.

Gayunman, sinabi ni Vergeire na hindi sapat ang naturang pondo.

Dagdag pa ni Vergeire na nasa P301 bilyon ang panukalang budget para sa DOH at sa mga attached agencies nito para sa susunod na taon.

Kabilang sa mga pangunahing priyoridad para sa paglalaan ng kanilang badyet ay kinabibilangan ng P45 bilyon para sa operasyon ng ospital, P24 bilyon para sa mga programa sa pampublikong kalusugan, kabilang ang mga subsidyo para sa tuberculosis, human immunodeficiency virus, cancer, at mental health programs ; P23 bilyon para sa health facilities enhancement program; at P22 bilyon para sa tulong medikal sa mga mahihirap na pasyente.

Bahagi rin ng mga prayoridad na programa ng DOH—ay ang pagbibigay ng mga subsidyo para sa mga premium para sa Philippine Health Insurance Corporation sa ating mga sektor na binibigyan ng ating gobyerno at ito ay bubuo ng humigit-kumulang P100 bilyon.