Inaalam pa raw ng Department of Health (DOH) ang ulat ukol sa sinasabing unang kaso ng COVID-19 na naitala sa lalawigan ng Batanes.
Ayon sa ahensya, as of September 29, wala pa silang natatanggap na report ukol sa unang confirmed case ng probinsya.
“But we have coordinated with the appropriate Center for Health Development (CHD) for relevant info.”
“With Batanes recording a confirmed case, this means that all provinces have/have had COVID-19 cases.”
Inamin naman ng Health department na lahat ng probinsya sa bansa ay nakapagtala ng “at least” isang bagong kaso ng coronavirus sa nakalipas na 28 na araw.
“Defining an area to be disease-free depends on set metrics, which are
not yet well defined for COVID.”
Paliwanag ng kagawaran, 28 araw na walang bagong kaso ng sakit ang tinitingnan nilang indicator ngayon sa matagumpay na paglaban sa COVID-19 ng isang lugar.
Ikinokonsidera rin daw ng DOH ang paggaling ng mga confirmed cases at kumpletong quarantine ng mga close contacts.