Naghahanda ang DOH para sa pagtatanghal ng isang landmark projcet sa National Economic Development Authority Board.
Ayon kay Special Concerns Team (SCT) Undersecretary Maria Francia Miciano-Laxamana, kapag naaprubahan, ito ang magiging unang Public-Private Partnership [PPP] na proyekto ng departamento sa ilalim ng administrasyong Marcos.
Ang pulong, kung saan gagawa ng presentasyon ang DOH, ay nakatakdang pangunahan ni Pangulong Marcos sa Oktubre 13.
Binigyang-diin ng DOH na ang pag-unlad na ito ay isang malaking milestone para sa departamento dahil ang NEDA Investment Coordination Committee—Cabinet Committee (ICC-CC) ay nagbigay ng endorsement para sa pagtatanghal ng proyekto sa NEDA-BOARD.
Matatandaan na ang DOH, sa pangunguna nina Laxamana at Baguio General Hospital and Medical Center (BGHMC) Chief Ricardo Runez Jr., ay gumawa ng makabuluhang hakbang tungo sa pagtatatag ng PPP para sa Renal Center Facility sa Baguio City.
Giit ng DOH na ang batayan para sa mahalagang pagkakataon na ito ay inilatag nang aprubahan ng NEDA at sa pangunguna ni Secretary Benjamin Diokno at co-chaired ni Secretary Arsenio Balisacan, ang panukala ng PPP na naglalayong magtatag ng Dialysis Center PPP Project para sa Renal Center Facility.