Binalaan ng Department of Health (DOH) ang grupo ng medical experts na nagsusulong para tuluyan nang alisin ng gobyerno ang mga lockdown na dulot ng COVID-19 pandemic.
Ayon sa ahensya, malaki ang tsansa na masayang ang mga ginawang hakbang ng pamahalaan sa nakalipas na mga buwan, kung hindi magiging maingat ang lifting ng mga community quarantine measures.
“Slowly but surely. If we hurry, we run the risk of losing what progress we have made, endangering the lives of people and overburdening the health care system.”
“If these things happen, we will again be put into tighter lockdowns and go through the process again.”
Sa isang statement sinabi ng Concerned Doctors and Citizens of the Philippines (CDCph) na dapat nang alisin ng presidente ang mga ipinatupad na lockdown.
“With this solution in mind, we appeal to the President to lift all lockdowns,” ani dating Health secretary Dr. Jaime Galvez-Tan, na convenor rin ng grupo.
Nanindigan ang DOH na umusad at bumuti na ang sitwasyon ng COVID-19 sa bansa, pero kailangan pa rin daw itong harapin nang may pag-iingat.
“We urge the stakeholders of the government to address the livelihood concerns of our fellow countrymen with the lives and safety of others as their primary consideration.”
Binigyang diin ng Health department ang kahalagahan ng pagsunod sa minimum health standards para maibsan ang pagkalat ng sakit sa bansa.