Hindi ikinokonsidera ng Department of Health (DOH) ang pagpapalit ng istilo sa pagbibigay paalala nito sa publiko hinggil sa COVID-19.
Ito’y sa gitna ng ilang rekomendasyon na gayahin ng ahensya ang “scare campaign” sa tobacco products para mas mag-ingat ang publiko.
“COVID and smoking differ in that smoking involves the element of a proactive choice for a potential smoker to partake in the act of smoking. This means that a person who chooses to go into smoking willingly acknowledges and accepts the consequences and health risks that go with smoking.”
Nilinaw ng DOH ang papel ng scare campaigns sa tobacco products, na layuning pukawin ang atensyon ng potential smokers at bigyan sila ng panahon para mag-desisyon depende sa nakasaad na mga posibleng kahihinatnan sa pagsisigarilyo.
“COVID is different such that the element of proactive decision is absent, meaning nobody “wants” or “chooses” to get COVID because most people are already knowledgeable of its gravity and accompanying dangers.”
“This is why deterrent campaigns to scare people about COVID are not likely to work because the public is already scared to begin with.”
Sa ngayon ang focus daw ng ahensya ay ang bagong lunsad na “BIDA campaign” na nanghihikayat sa publiko na maging partner ng gobyerno laban sa pandemic.
“DOH believes that driving the public to “take the pandemic seriously” does not mean scaring them even more, but equipping them with the right tools and knowledge to protect themselves and their
families from this novel disease.”
Sa ilalim ng kampanya, binibigyang diin ang kahalagahan at magiging epekto ng striktong pagsunod sa mga health protocols ng gobyerno.
Ang BIDA sa bagong campaign ng DOH ay nangangahulugang:
B – Bawal walang mask!
I – I-sanitize ang mga kamay, iwas hawak sa mga bagay!
D – Dumistansya ng isang metro!
A – Alamin ang totoong impormasyon!