-- Advertisements --

Handa raw ang Department of Health (DOH) na ipatupad ang pagpapaikli sa bilang ng araw ng quarantine ng mga kaso ng COVID-19.

Pahayag ito ng ahensya matapos lumabas ang ulat na magre-release ng bagong guidelines sa quarantine ng COVID-19 cases ang United States Centers for Diseases Control and Prevention (US CDC).

“The DOH will adapt to changes in guidelines after proper evaluation by our experts and if deemed appropriate.”

Batay sa ulat ng international news agencies, sinasabing paiikliin na lang sa pitong araw mula sa 14 days ang quarantine period ng confirmed cases sa ilalim ng bagong guidelines ng ahensya.

Sa ngayon mahigpit munang pinaalalahanan ng ahensya ang local government units at pribadong sektor na sundin ang mandato sa ilalim ng Omnibus Guidelines on Prevention, Detection, Isolation, Treatment, and Reintegration Strategies for COVID-19.

“Patients with mild symptoms who have completed at least 10 days of isolation from the onset of illness either at home or a temporary treatment and monitoring facility inclusive of 3 days of being clinically recovered and asymptomatic can be discharged and reintegrated to the community without the need for further testing, provided that a licensed medical doctor clears the patient. Confirmed cases with mild symptoms can be tagged as recovered once discharge criteria are met,” nakasaad sa Department Memorandum No. 2020-0439.

Nakapaloob dito na maaari nang pauwiin mula sa home isolation o treatmen centers ang mga mild COVID-19 cases matapos ang 10 araw mula nang sila ay unang makaramdam ng sintomas. Kasali na dito ang tatlong araw mula nang sila ay ma-deklara na clinically recovered ng doktor at wala ng sintomas.

Ang mga asymptomatic na close contacts naman, dapat din i-discharge sa quarantine kung walang made-develop na sintomas sa loob ng 14 na araw mula nang sila ay ma-identify na close contact.

Kung magkaka-sintomas naman ay dapat agad dalhin sa isolation centers at masailalim sa COVID-19 test. Kung negative, kailangan lang nila tapusin ang 10 araw na isolation bago pauwiin. Kung positibo naman ay kailangan sundin ang protocol ang 14-day isolation, maging asymptomatic at ma-deklarang clinically recovered bago pauwiin.