May nakahanda na raw na imbentaryo ang pamahalaan para sa cold chain facilities na siyang paglalagyan ng mga darating na bakuna ng COVID-19 sa Pilipinas.
“Yes we have inventory of all cold chain facilities,” ayon sa Department of Health.
Halos 4-million Pilipino ang target bakunahan ng gobyerno sa ilalim ng P2.5-billion initial budget para sa COVID-19 vaccines. 20-million kababayan naman ang planong bakunahan sa ikalawang implementasyon.
Naihanda na raw ng Health department ang kailangan para sa iba’t-ibang senaryo kapag dumating na ang mga bakuna, at kung magkano ang kakailangin sa cold chain storage.
“We will be using our regular flow of distribution. We will utilize what we are doing during our routine distribution which is delivery to the region, provinces, cities and finally to the municipalities.”
Una nang sinabi ni Health spokesperson Maria Rosario Vegeire na isinasapinal na ng ahensya ang logistical requirements para sa biyahe at storage ng mga bakuna.
“Mayroon na kaming paglalagakan ng mga bakuna. This is not gonna be plenty, kakaunti lang yan kasi ilan lang naman yung mga bakuna na dadating para sa mga areas na mayroon tayo. It is not going to be an issues when it comes to warehousing, distribution because hindi ‘yan ganyan kadami as what we envision to be.”
Wala pang inilalabas na listahan ng bakuna ang World Health Organization para sa isasagawang Solidarity Trial sa Pilipinas.