-- Advertisements --

Dumipensa ang Department of Health (DOH) kung bakit hindi muna uunahin ang mga health care workers sakaling maunang dumating sa bansa ang Sinovac vaccine ng China.

DOH Usec. Maria Rosario Vergeire
DOH spokesperson Usec. Rosario VergeIre

Paliwanag ni DOH spokesperson Rosario VergeIre, mas gusto raw nila na mas mataas ang efficacy at protection dahil masyadong exposed sa virus ang mga health care workers.

Una nang sinabi ni FDA Director General Eric Domingo na ang efficacy rate ng Sinovac ay 50.4% batay sa trial sa Brazil.

Habang sa ibang bansa ay lumabas na epektibo ito na merong 65% at 91.25% efficacy rate sa trials naman sa Indonesia at Turkey.

Dapat ngayong araw sana ang dating ng Sinovac vaccine pero iniurong daw ito hanggang sa sunod na linggo.

Ayon naman kay Usec. Vergeire kung pagbabatayan ang A4 group sa public sector, dapat unahin ang mga frontliners sa gobyerno o emergency workers katulad ng mga uniformd personnel, mga sundalo, pulis, PSG, Bureau of Fire Protection at mga kasama sa contact tracing.
Gayunman hindi pa raw ito pinal dahil magdedesisyon pa ang mga health regulators sa bansa kung dumating na ang Sinovac.