-- Advertisements --

Hindi pa natutukoy o nadedeklara sa ngayon ng Department of Health (DOH) ang local transmission ng mas nakakahawang Delta variant, ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Ito ay kahit pa sinabi ni Dr. Rontgene Solante sa Laging Handa briefing na posibleng kumakalat na ang naturang variant sa bansa.

Ayon kay Vergeire, kapag sinasabi kasing “local transmission” ibig sabihin lamang ay mayroon nang “linkage” sa pagitan ng mga indibidwal na tinamaan ng isang variant ng coronavirus.

Pero ayon kay Vergeire, “mukhang” mayroon nang local transmission ng Delta variant dahil mayroon nang mga kaso na hindi na related sa returnong OFWs na unang natukoy na tinamaan ng Delta variant.