-- Advertisements --

Nilinaw ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Atty. Melvin Matibag na walang kinalaman ang pagka-aresto ni dating Ako Bicol Partylist Representative Elizaldy Co sa International Criminal Police Organization (Interpol) red notice.

Paliwanag ng NBI Chief na naaresto ang nagbitiw na kongresista dahil sa immigration violation.

Nagpahayag naman ng kahandaan ang NBI sakaling ipag-utos na i-repatriate si Co dito sa Pilipinas mula sa Czech Republic.

Sa ngayon, ayon kay Dir. Matibag, mahigpitt na nakikipag-ugnayan ang gobyerno ng Pilipinas sa Czech Republic government para masigurong lahat ng legal na proseso ay nasusunod at para maareglo ang kaniyang pagbalik sa bansa sa lalong madaling panahon.

Nauna nang kinumpirma ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na kasalukuyang nakadetine sa immigration detention facility si Co at posibleng maibalik sa bansa sa loob ng isang linggo o isang buwan.