MANILA – Inirekomenda ng Department of Health (DOH) at Department of Foreign Affairs (DFA) na tanging official reports lang ng mga bansa ang magiging basehan ng pamahalaan kapag pinalawig pa ang ipinatutupad na travel ban.

Sa ilalim kasi ng Resolution No. 91 ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), maaaring magpataw ng travel restriction ang Office of the President sa ibang estado na magre-report pa ng kaso ng bagong variant ng COVID-19.

“The list of countries included in the travel restrictions shall be regularly updated to include countries who will officially report detection of the variant,” ayon sa DOH at DFA.

Kabilang sa inirerekomendang basehan ng mga ahensya ay ang naka-publish na anunsyo sa official channels ng mga bansa, tulad ng website.

Pati na ang official notification sa International Health Regulations.

“Unofficial reports, including those reported by media outlets do not qualify as official sources and therefore cannot be used as basis in recommending travel restrictions from a specific country.”

Nilinaw ng Health at Foreign Affairs department na papapasukin ng bansa ang mga biyaherong manggagaling sa mga estado na hindi kasali sa listahan ng travel ban. Basta’t sila ay mag-negative pagdating ng entry points.

“Despite negative results, LGUs are strongly urged to ensure that travelers complete their 14 day quarantine period either at a facility or at home.”