-- Advertisements --

In-extend ng Department of Health (DOH) ang deadline ng submission para sa requirements ng hazard pay ng mga healthcare workers sa National Capital Region (NCR).

Ayon sa DOH, hanggang alas-5:00 ng hapon sa December 11, 2020 maaaring magpasa ng requirements ang mga healthcare workers na hindi nakapasa sa isang araw lang na deadline na binigay ng ahensya kamakailan.

“Following recent reports that some healthcare workers (HCWs) in the National Capital Region (NCR) were only given one day to pass requirements for their hazard pay, the DOH extended the deadline in question to December 11, 2020 at 5:00PM.”

Nitong araw nang maka-dayalogo ng Health department ang lider ng iba’t-ibang unyon ng healthcare workers, at ang Hospital Industry Tripartite Council. Napagkasunduan nila na i-urong pa ang deadling ng submission dahil sa limitadong bilang ng working days na natitira ngayong buwan.

Ang hazard pay na matatanggap ng healthcare workers ay naka-ayon sa probisyon ng DOH at Department of Budget and Management Joint Circular No. 1 and 2. Sa ilalim nito, may active hazard pay at special risk allowance ang mga medical frontliners na direktang nagbibigay ng serbisyo sa mga pasyente ng COVID-19.

“CHDs nationwide are ready to assist hospitals and other health facilities in their compliance with these guidelines.”

Pinaalalahanan ng DOH ang implementing units, kabilang na ang mga ospital at health facilities na tulungan din ang kanilang health workers sa pagpo-proseso ng mga benepisyo.

“While hospitals and other health facilities may request additional requirements and impose deadlines with a view to expediting the release of AHDP or SRA, these impositions should not unduly burden our HCWs.”

Nitong Lunes nang mag-kilos protesta ang Alliance of Health Workers sa opisina ng ahensya para ipanawagan ang hazard pay at special risk allowance sa lahat ng medical frontliners, at hindi lang sa mga nagbibigay ng direktang serbisyo.

Pero ayon sa DOH, limitado ang budget sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act. Tiniyak ng kagawaran na makakatanggap pa rin ng ibang benepisyo ang natitirang health workers.