Nanindigan ang Department of Health (DOH) sa posisyon nito na tuluyang ipagbawal ang paggamit ng paputok at ano mang uri ng pyrotechnic devices sa bansa tuwing bagong taon.
Bunsod ito ng mataas pa ring bilang ng mga nasugatan at nagtamo ng injury dahil sa paputok kasabay ng pagsalubong sa taong 2020.
Sa isang panayam sinabi ni Health Usec. Eric Domingo, na hindi na rin sang-ayon ang DOH sa paggamit ng mga itinuturing na legal na fireworks tulad ng kwitis, lusis, at fountain.
Para sa ahensya dapat magkaroon ng batas para maging iligal na ang lahat ng fireworks, lalo na yung mga ginagamit ng mga bawat pamilya.
Dapat daw ma-regulate ang paggamit nito sa mga community fireworks displays.
Sa huling datos ng DOH, nasa halos 200 ang bilang ng firecracker-related injuries.
Mas mababa ito ng 35-percent kumpara sa bilang na naitala noong pagsalubong sa taong 2019.