-- Advertisements --

Nasa halos 400,000 na ang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH).

Ngayong araw nag-ulat ang ahensya ng 1,347 na mga bagong kaso ng sakit. Pero paliwanag ng kagawaran, resulta ng mababang reporting rate ng mga laboratoryo kahapon ang mababa ring bilang ng new cases.

“Additionally, the lower number of new reported cases today may be attributed to the relatively lower reporting rate of laboratories for November 9, 2020.”

Ayon sa Health department, may walong laboratoryo ang bigong makapagpasa ng data sa COVID-19 Data Repository System (CDRS).

“Based on initial analysis, only 84% of laboratories reported for that day, which is lower compared to the previous days wherein there were laborarory reporting rates of 90% or more.”

May mga laboratoryo rin daw na hindi pa nakakapasa ng datos noong Linggo dahil wala silang operasyon sa naturang araw.

“We will continue working with our laboratories to ensure prompt and complete submission of data to the DOH Central office.”

Ang lalawigan ng Cavite ang nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng new cases na nasa 92. Sinundan ng Maynila, Quezon City, Baguio City at lalawigan ng Laguna.

Samantala, ang mga nagpapagaling pa ay nasa 30,169. Nadagdagan naman ng 187 ang total recoveries na ngayon ay 361,919 na. Habang 14 ang additional sa total deaths na pumapalo na sa higit 7,661.

“47 duplicates were removed from the total case count. Of these, 43 were recovered cases. Moreover, 9 cases previously tagged as recovered were reclassified as deaths.”