Pumalo na sa 40,336 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa bansa batay sa pinakabagong data ng DOH.
BREAKING: Pumalo na sa 40,336 ang total confirmed COVID-19 cases sa bansa. Nakapagtala ang DOH ng 1,531 new cases (highest since June 23) — 688 "fresh" at 843 "late" cases.
— Christian Yosores (@chrisyosores) July 3, 2020
Total recoveries (400 new): 11,073
Total deaths (6 new): 1,280 | @BomboRadyoNews pic.twitter.com/f5Oev94TL6
Nakapagtala ang ahensya ng 1,531 new cases, na pinakamataas mula noong June 23. Mula sa nasabing bilang 688 ang fresh cases o mga kaso ng sakit na lumabas ang resulta ng test at na-validate sa nakalipas na tatlong araw.
Ang late cases naman o mga kaso ng sakit na lumabas ang resulta ng test sa nakalipas na apat na araw pero ngayon lang na-validate ay nasa 843.
Nakapagtala din ng bagong pinakamataas na numero ng bagong gumaling sa 400 kaya ang total recoveries ay nasa 11,073.
Ang total deaths naman ay nadagdagan ng anim kaya ang kabuuan ay 1,280.
















