-- Advertisements --

NAGA CITY- Umapela nang pag-unawa ang Departmet of Health (DOH)-Bicol sa publiko hinggil sa kanilang mga kakulangan sa COVID-19 response sa rehiyon. 

Nanawagan din ang ahensya sa mga graduates ng medical courses na mag-apply sa mga pampublikong healthcare institutions gayong marami ang bakanteng posisyon sa kasalukuyan.

Malaki anila ang epekto ng kakulangan sa health personnel lalo na sa patuloy na paglobo ng kaso ng COVID-19 sa Bicol.

Sa kabila nito, nagpasalamat naman ang DOH sa mga LGUs sa paggawa ng tungkulin at sa mahigpit na pagpapatupad ng mga quarantine protocol at pagsunod sa mga patakaran ng BIATF.

Ayon sa ahensya sakaling patuloy pa ang paglobo ng mga mahahawa sa virus na dulot ng COVID-19, sana’y isa-alang-alang aniya ang pagbukas ng DOH accredited molecular laboratory na magsasagawa ng RT-PCR testing sa bawat probinsiya. 

Mas makakatulong umano ito sa test, detect, isolate, treat na isang estratehiya na ginagawa para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Sa ngayon, mayroon ng 812 na kaso sa Bicol, 405 dito ang active cases habang 25 naman ang binawian ng buhay.